4.26.2011

Nais Kong Lumayo

Nais kong lumayo
Mula sa mga gasgas na kasinungalingan
At walang-patnang iyak ng sindak
Na lalong lumalala habang ang araw
Ay pumapalaot mula sa burol patungong dagat

Nais kong lumayo
Mula sa paulit-ulit na pagbati
Dahil may mga multong naglipana
At mga hikbing gumuguhit sa papel
At mga kulog na humihiyaw

Nais kong lumayo
Ngunit ako'y natatakot:
Ang mga buhay na hindi pa nagamit
Ay maaring sumabog mula sa mga kasinungalingan,
Pagliyabin ng lupa o pumutok sa hangin
At maaring ako'y bulagin.

Hindi ang makalumang gimbal sa gabi
Ang maghahatid sa akin sa balahibo ng kamatayan.
Hindi, hindi na kailangan
Dahil wala akong agam-agam na harapin ang kamatayan.