Karimlan ng gabing mapanglaw
At ako’y manhid na sa ingay ng goma’t motor,
Habang naiidlip sa aking piitan:
Pagkat kalooban ko’y ninakaw,
Bayag ko’y hinablot,
At dila’y tinabas
Ng mga trahedyang ikinamatay
Ngunit bakit ayaw kong
Matulog mag-isa,
Ayaw kong isiping
Ang mundo’y nawalan na ng saysay,
At nawala na ang pangakong liwanag
Sa dulo ng mga sibat
At walang gabing hindi ka man lang
Sumaglit sa isipan,
Ikaw na bahagi ng aking minsanang digmaang
Pinagtagumpayan ng mga diablong
Tanging hatid ay kapahamakan
Sa gitna ng mga naunsyaming kilusan
At mga pinatibay na kabaliwan
Ay halakhak ng kamatayan
Ang uyayi ni ina sa dalampasigan.
No comments:
Post a Comment